esim - Free MMOG browser game
REGISTER
Register for free:
Only letters, numbers, underscore and space are allowed (A-Z,a-z,0-9,_,' ')
We converted your nick automatically

Accept rules before register!

Tungkol sa laro:


PH MAGING ISANG MALAKAS NA BANSA? SA E-SIM, POSIBLE YAN!

Sa e-Sim, mayroon isang malaking mapa, na kahalintulad ng mapa sa ating mundo. Siguro, marahil hindi ganap na kahalintulad, dahil ang balanse ng kapang-yarihan sa mundong ito ay medyo naiiba kaysa sa tunay na buhay. Sa e-Sim, ang Pilipinas ay hindi kailangang maging isang napakalakas na bansa sa mundo. Maaari itong pamahalaan tulad ng pamamahala sa isang mas maliit na bansa kung saan meron itong mga mamamayan na sumusuporta sa pundasyon nito. Ang lahat ay nakabase sa mga manlalaro mismo at kung paano sila magpasya sa pag-hugis ng pampulitika mapa ng laro.

Magtrabaho para sa kabutihan ng iyong bansa at makita itong umunlad bilang isang imperyo.u

Ang mga aktibidad sa larong ito ay nahahati sa ibat-ibang bahagi; Una ay ang ekonomiya bilang isang mamamayan sa isang bansa na nais mo, kailangan mong magtrabaho upang kumita ng pera, upang gastusin para sa; produkto na kakailanganin mo sa labanan o kagamitan na importante para sa iyong pag-unlad bilang isang sundalo. Maaari kang magtrabaho sa mga pribadong kompanya na pag-aari ng mga manlalaro o sa mga kumpanya ng pamahalaan na pag-aari naman ng estado. Sa iyong pagpapatuloy sa paglalaro ay magkakaroon ka ng pagkakataon upang itayo ang iyong sariling kumpanya at kumuha ng ibang manlalaro upang magtrabaho. Kapag umunlad ito, maaari rin nating gawin itong isang “joint-stock company” kung saan magiging kabahagi mo ang ibang manlalaro sa pagpapalawig ng iyong kumpanya at ilagay sa stock market at makakuha ng mas maraming pera sa ganitong paraan.


DIGMAANG PANDAIGDIG? DITO, DI MO YAN MAIINTINDIHAN!

"Ang E-Sim ay isa sa mga pinaka-natatanging mga laro"

Maging isang maimpluwensiyang pulitiko.

Ang ikalawang bahagi ay ang pulitika. Tulad ng pulitika sa totoong buhay, sa E-Sim ito ay isang napakalakas na instrumento na maaaring magamit para sa iyong sariling mga layunin. Paminsan-minsan ay may mga halalan na nagaganap kung saan hindi ka lamang bumoto, ngunit mayroon ding kakayahang tumakbo para sa pinuno ng partido na iyong kinabibilangan. Maaari ka ring tumakbo para sa kongreso, kung saan ay magkakaroon ka ng karapatan na bumoto sa mga batas na iminungkahi ng iyong mga kapwa miyembro ng kongreso o iyong presidente at panukala ang mga sariling batas. Ang pagboto sa mga batas ay mahalaga para sa iyong bansa dahil maaari itong dikta ang buhay ng mga nasasakupan mo. Maaari mo ring subukan na maging pinuno ng isang partido, at makibahagi sa mga halalan sa pagka-pangulo at magpasya sa mga patakarang panlabas ng isang estado (halimbawa, kung kanino magdeklara ng digmaan). Ang tungkulin sa pulitika ay lubos na mahirap at upang magtagumpay dito, kailangan mong magkaroon ng isang mahusay na plano at makipagkumpetensya para sa mga boto ng mga botante.


MAGLARO SA STOCK MARKET! YUMAMAN OR HUMIRAP!

Ang digmaang pandaigdig.

Ang huli at pinakaimportanteng bahagi ay ang sa taunghukbo. Sa e-Sim, ang mga bansa ay palaging lumalaban sa teritoryo na nagbibigay ng “resources” para umunlad ang isang bansa. Dahil dito, gumagawa sila ng “alliances”, lumalaban sa pandaigdig na digmaan, pero magkakaproblema pa rin sila sa pag-alyansa sa nasakop na bansa, or digmaang sibil, kung saan pwedeng masira ang bansa. Pwede kang sumali dito sa labanan, o wag at sumama na lamang sa ibang aktibidad sa laro gaya ng pagiging negosyante.


SA SUBASTAHAN, PWEDE KA BUMILI AT BUMENTA NG KAGAMITAN.

Ang e-Sim ay isang laro sa browser. Ang mga gumawa nito ay gustong ipakita ang representasyon ng mga mekanismo na mayroon sa totoong buhay at binigay ito sa mga manlalaro na magbibigay ng imahe nitong mundong virtual, base sa kanilang ideya dito. Kaya’t sumali ka na at tulungan mo ang bansa maging malakas.


MAG-INVEST, GUMAWA AT BUMENTA NG PRODUKTO. MAGING ISANG NEGOSYANTE.


SUMAMA SA E-SIM EVENTS!